Away sa trapik: Mag-amo dedo sa abogado
Patay ang dalawa katao na kinabibilangan ng isang bise presidente ng isang kompanya at katulong nito makaraang pagbabarilin ng isang abogado dahil sa awayan sa trapiko kahapon ng hapon sa
Namatay habang ginagamot sa Medical City sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Edgardo Calesares, vice president ng Total Information Management na nasa Makati City at ang katulong nito na si Catherine Palmero.
Samantala, sumuko naman sa himpilan ng
Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa kahabaan ng Shaw Blvd. sa kanto ng Endriga St. Brgy.
Nabatid na sakay ng Toyota Corolla na kulay gray ang suspek nang magkainitan sila ng lalaking biktima sakay ng Nissan Cefiro na kulay gray.
Nang mapikon ang suspek ay bumaba ito sa kanyang sasakyan bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril at pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek subalit naplakahan ang kanyang sasakyan ng mga nakasaksi.
Sa kasalukuyan ay ayaw pang magpalabas ng impormasyon ang Pasig police hinggil sa kumpletong pagkakakilanlan ng suspek na ngayon ay nasa himpilan na ng Pasig Police Headquarters.
- Latest
- Trending