Market exec sa Pasay idinepensa

Ipinagtanggol ni Pasay City Mayor Wen­ceslao “Peewee” Trini­dad ang kanyang mar­ket administrator ukol sa kumakalat na balitang naniningil ito ng P30,000 bilang “pledge of sup­port” mula sa vendors na nais makakuha ng pu­westo sa bubuksang Pasay Mall and Public Market.

Ayon sa alkalde, isa na itong matandang isyu na umano’y gawa-gawa lamang ng aniya’y mga hindi nakuntentong ven­dors na nais makakuha ng maraming pwesto sa bubuksang pamilihan.

Mariing iginiit ni Tri­nidad na legal at lehitimo ang ginagawang kolek­siyon na nakapaloob sa Ordinansa Bilang 3754.

Sinabi pa ni Trinidad na ‘wag nang sakyan ang isyu dahil sa bukod sa matandang usapin na ito ay may bahid puli­tika pa umano na ang nasa likod ay ang ta­lunang nakalaban niya nitong nakaraang elek­siyon. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments