Market exec sa Pasay idinepensa
Ipinagtanggol ni Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad ang kanyang market administrator ukol sa kumakalat na balitang naniningil ito ng P30,000 bilang “pledge of support” mula sa vendors na nais makakuha ng puwesto sa bubuksang Pasay Mall and Public Market.
Ayon sa alkalde, isa na itong matandang isyu na umano’y gawa-gawa lamang ng aniya’y mga hindi nakuntentong vendors na nais makakuha ng maraming pwesto sa bubuksang pamilihan.
Mariing iginiit ni
Sinabi pa ni Trinidad na ‘wag nang sakyan ang isyu dahil sa bukod sa matandang usapin na ito ay may bahid pulitika pa umano na ang nasa likod ay ang talunang nakalaban niya nitong nakaraang eleksiyon. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending