September 30, 2007 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group ng pulisya ang walong hinihinalang drug pushers kabilang dito ang isang pulis matapos magsagawa ng buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa San Dionisio Village, Brgy. San Isidro, Parañaque City. Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina PO3 Pedro Matandac, 32, miyembro ng Regional Special Action Unit ng National Capital Region Police Office; Remedios Verona, 43, manicurista; Ma. Cherizza Verona alyas Jeniifer, 22; Wilfredo Bruce alyas Onyok, 25, driver; Paulino Almendras, 27, helper; Roderick Albano, 36; Alvin Samoy, 24; at Mark Allen Cueto, 26. Narekober naman ng awtoridad sa lugar ang 10 sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, M16 rifle, at 3 pang baril. (Rose Tesoro-Tamayo)