^

Metro

Inuman niratrat: 2 patay, 2 sugatan

-

Patay ang dalawang lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa makaraang ratratin ng hindi pa kilalang mga kalalakihan ang mga ito habang nag-iinuman kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Enrique Martinez, 21, at Ogie Hablan, 21, na kapwa ito   nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang kasalukuyan namang  nagpapagaling sa pagamutan ang mga kasamahan nilang sina Abigael Serafica, 17, nagtamo ng isang tama ng bala sa hita at Rodel Bartino, 26, tinamaan sa pige, pawang residente sa naturang lugar.

Agad namang tumakas ang grupo ng mga kalalakihan matapos ang pamamaril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling- araw habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa kahabaan ng Zandro Ville Arroyo St. Nagpayong Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito.

Sa gitna ng kasiyahan ay bigla na lang sumulpot ang isang grupo ng kalalakihan ilan sa mga ito ay armado ng kalibre .45 baril at sa hindi mabatid na kadahilanan ay bigla na lang pinagbabaril ang mga biktima.Matapos ang pamamaril ay parang walang nangyaring nagsialis ang mga suspek at iniwang nakabulagta ang mga nag-iinuman.

Ilang kapitbahay naman ang nagsugod sa Pasig City General Hospital sa mga biktima subalit dead on arrival si Martinez,  samantalang namatay din habang ginagamot si Hablan.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa naturang pama­maslang. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ABIGAEL SERAFICA

EDWIN BALASA

ENRIQUE MARTINEZ

OGIE HABLAN

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with