^

Metro

Trapiko sa Libis nagkabuhul-buhol

-

Matinding perhuwisyo sa mga motorista ang idinulot ka­hapon ng matinding pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng C-5 Road sa Libis, Quezon City ma­tapos na mahigit  sa 50 jeepney drivers ang nag­lunsad ng kilos-protesta upang kondenahin ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) dahil sa pagpapasara sa isang “U-turn slot”. Dakong alas-6 ng umaga nang mag-umpisang iparada ng mga driver ang ka­nilang mga pam­pasaherong jeep sa tapat ng isang shopping center sa Libis na nagresulta ng pagbu­buhol ng trapiko mula Ortigas Ave­nue Extension hanggang Santolan Road sa Camp Agui­naldo. Tinu­ligsa ng mga driver na may rutang Cubao-Bagumbayan ang gina­wang pagsara ng MMDA sa kanilang “U-turn slot” may isang buwan na ang nakakalipas na nagdulot umano ng matinding hirap sa kanila dahil sa kaila­ngan pa nilang umikot ng malayo para makatawid sa kabilang bahagi ng kalsada. (Danilo Garcia)

AGUI

CUBAO-BAGUMBAYAN

DANILO GARCIA

LIBIS

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

ORTIGAS AVE

QUEZON CITY

SANTOLAN ROAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with