^

Metro

Dalagita patay sa ligaw na bala

-

Binawian ng buhay ang isang 16-anyos na dalagitang high-school student  matapos itong tamaan ng ligaw na bala mula sa isang nagwawalang lalaki na nasa impluwensiya umano ng ipinagbabawal na gamot kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Kim­berly Paleracio,  # 57 Everlasting Street, Bagong Barrio ng na­banggit na lungsod sanhi ng tinamo nitong tama ng  bala ng baril sa katawan.

Tinutugis naman ng mga elemento ng Caloocan City-PNP ang suspek na si Lester Fran­cisco “alyas Ponga”, 22, taga #20 Demokrasya Street, Ba­rangay 149. Bagong Barrio,  na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng suspek habang ang biktima ay kasalukuyang nakatayo at naki­kipagkuwentuhan sa kanyang dalawang kaibigan.

Bigla na lamang lumabas ang suspek ng kanyang bahay  na lango sa droga at armado ng baril kung saan naghahamon pa ito ng away.

Ayon sa ilang nakasaksi ng mga pangyayari, sunud-sunod na nagpaputok ang suspek.

Dahil sa ginawa ng suspek, tinamaan ng ligaw na bala ang dalagitang biktima, kung saan duguan itong  humandusay sa lupa. Mabilis na isinugod ang biktima ng ilang mga taong naro­roon sa nabanggit na pagamu­tan, ngunit hindi na ito nakarating ng buhay. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbesti­gasyon hinggil sa naturang kaso. (Lor­deth Bonilla)

AYON

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

DEMOKRASYA STREET

EVERLASTING STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with