^

Metro

Gusali gumuho: 8 sasakyan wasak

-

Walong sasakyan ang napinsala matapos na mabagsakan ang mga ito ng debris mula sa isang lumang gumuhong gusali kahapon ng tanghali sa Maynila.

Kabilang sa mga sasakyang matindi ang pinsala ay isang kulay asul na Toyota pick up (BGF 814); pawang Nissan, dalawa dito ang kulay maroon na may plakang WAX 527 at XAX 802 at isang silver gray na may plakang UUY 667,  habang ang limang iba pa na sasakyan ay pawang salamin lamang ang tinamaan at agad na nailipat sa kanilang pagkakaparada.             

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas- 12:20 ng tanghali nang matuklap ang palitada mula sa ika-anim na palapag ng walong palapag na Philtrust Building na matatagpuan sa kanto ng Quintin Paredes at Cervantes Sts., Binondo,Manila at nagresulta sa pagbagsak ng mga debris sa mga nakaparadang sasakyan.             

Sinabi naman ng Engineering Office ng Manila City hall na matagal na umanong bakante at idineklara nang condemned ang nasabing gusali.             

Agad namang nagpadala ng mga tauhan ng Engineering Office upang mabakbak ang iba pang palitada ng building upang hindi na umano magbagsakan pa.           

Bukod sa mga nakaparadang sasakyan ay wala naman iba pang nasugatan sa insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BINONDO

CERVANTES STS

ENGINEERING OFFICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

PHILTRUST BUILDING

QUINTIN PAREDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with