^

Metro

Tiyo kinatay ng pamangkin

- Edwin Balasa -

Tatlumpung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng isang 63-anyos na lalaki makaraang pag­sasaksakin ito ng kan­yang lasing na pamangkin na nag-aakusa sa una na siyang nagpakulam sa kanyang ama kaya ito namatay kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jaime Mon­tuerto, kakadating lang mula sa Catbalogan, Samar at pansamanta­lang nanunuluyan sa 1 Langka St. Brgy. Malan­day ng nasabing lungsod.

Agad namang na­aresto ang suspek na pa­mang­kin na si Michael Abenir, residente rin ng na­sabing barangay.

Ayon kay P/Insp. Jose Salazar, hepe ng Criminal Investigation Division ng Marikina Police, naganap ang insidente dakong alas-9:35 ng gabi sa ha­rapan ng bahay na tinutu­luyan ng biktima matapos na dumalaw ang suspek dito na lasing  mula sa isang inuman ng mabali­taan na nagbakasyon mula sa probinsya ang tiyo.

Matapos na magkita at magkamayan ang mag- tiyuhin ay inaya ng suspek sa labas ng bahay ang biktima at pagdating doon ay agad na kinuha ang patalim na nakatago sa beywang at walang sabi-sabing pinagsasaksak ni Abenir ang kanyang tiyu­hin sa likurang bahagi at hindi pa nakuntento sinun­dan pa ito ng sunud-sunod na saksak sa dibdib ng humarap ito sa kanya.

Matapos ang insidente ay nagtangka pang tuma­kas ang suspek subalit na­aresto din ito ng mga rumespondeng tanod at mga pulis habang sinubu­kan pang itakbo sa paga­mutan ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

Sa himpilan ng pulis­ya, sinabi ng suspek na kaya niya nagawang pa­tayin ang kanyang tiyuhin ay para maipaghiganti nito ang kanyang tatay na nasawi dahil ipinakulam umano ito ng tiyo noong nasa Catbalogan, Samar pa ang mga ito.

vuukle comment

CATBALOGAN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

JAIME MON

JOSE SALAZAR

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with