^

Metro

‘Rapist’ na ama kalaboso

-

Rehas na bakal ang binag­sakan ng isang 41-anyos na ama makaraang ireklamo ng panghahalay sa sariling anak sa Tondo, Maynila kamaka­lawa.

Ang suspek na nakilalang si Salvador Cruz ng Area A, Gate 20, Parola Compound ay nakadetine ngayon sa Manila Police District-Station 1 mata­pos ireklamo ng sariling anak na babae ng kasong rape.

Nabatid na nagreklamo ang 18-anyos na biktima sa pulisya kasama ang isang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa ilang ulit na pang-aabuso sa kanya ng suspek at ang pinakahuling insidente ay naganap noong Sabado ng Setyembre 15 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan.

Kaagad namang nagsa­gawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa pangu­nguna ni P/Insp. Arnulfo Gem­paso ng Delpan Police Community Precinct na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa loob mismo ng kanilang bahay. (Grace dela Cruz)

AREA A

ARNULFO GEM

CRUZ

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KAAGAD

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

PAROLA COMPOUND

SALVADOR CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with