^

Metro

MCS kakasuhan ng MPD

-

Nakahanda ang Manila Police District-Homicide Division na sampahan ng kasong obstruction of justice ang  pamunuan ng Malate Catholic School (MCS) dahil sa patuloy nitong hindi  paki­kipagtulungan sa pulisya para lumitaw ang katoto­hanan sa likod ng pagtalon at pagkamatay ng isang grade 3 pupil sa loob ng school com­pound noong Set­yembre 17, 2007 sa Malate, Maynila.

Ito ang naging pahayag kahapon ni Det. Jaime Gon­zales Jr., ng dahil sa hindi pagbibigay ng impormasyon ng MCS  kaugnay sa pagpa­pakamatay ng biktimang ni Kristine Ariane Cuenca, 9, grade 3 pupil at  residente ng #186  J. Viscara St., Bacla­ran, Parañaque City.

Sinabi ni Gonzales na nag­tungo siya noong Set­yembre 20 sa nabanggit na eskuwelahan subalit tila hindi nakikipagtulungan ang pa­munuan ng MCS hinggil sa ginawang pagtalon ng bik­tima mula sa ikaapat na palapag ng Our Lady of Re­medies Building ng naturang eskuwelahan.

Maging si Antonio Idao, foreman ng Magnasor Engineering Services na saksi sa pagtalon ng biktima ay ban­tulot ding magbigay ng anumang impormasyon at nakiusap pa ito kay Gon­zales na huwag muna itong magbigay ng detalye.

Naging palaisipan din sa pulisya, ang hindi pagpapa-autopsiya sa bangkay ng biktima upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagpa­pakamatay ng bata.

Bunsod nito’y , inobliga ni P/Chief Inspector Alejandro Yanquiling Jr., hepe ng MPD-Homicide Section na  mag-report sa kanilang tangga­pan ngayong araw (Lunes) ang adviser at teacher ng biktima  maging si Idao  at ang security guard ng esku­welahan kaugnay sa naga­nap na insidente. (Grace Amargo-dela Cruz)

ANTONIO IDAO

CHIEF INSPECTOR ALEJANDRO YANQUILING JR.

GRACE AMARGO

HOMICIDE SECTION

JAIME GON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with