^

Metro

20 katao tiklo sa pagnanakaw ng kable

-

Aabot sa dalawampu-katao ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagnanakaw ng mga kable ng kuryente at lighting fixtures sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Blvd., Maynila.

Sa ulat na tinanggap ni Manila Mayor Alfredo Lim, dalawa  sa mga suspek na miyembro ng Pulis Oyster ay sina  Arnel Rivera, 24; at Anthony Sevillano, 21, kapwa residente ng Isla Puting Bato.

Nadakip ng grupo ni P/Supt. Jojo Rosales, ay ang  isang alyas Sidweak Yago, 53 na nakumpiskahan ng baril na walang lisensiya.

Ilan din sa mga suspek ay hindi lamang kable ng kur­yente ang ninanakaw kundi maging mga lamppost. Isa dito ay si Ronald Aguilar, 48, chief security  ng  Manila Teachers Savings and Loans Association.

Kasabay nito, nadakip naman ng mga tauhan ni P/Supt. Hilario Orallo, ang mga suspek na sina Alfredo Calo, 25; at Manolito Martin, 23, na naaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente sa tabi ng isang public comfort rooms  sa Quirino Avenue.

Napag-alaman na ang  mga ninakaw na electrical wires ay ibinebenta sa mga junk shops  sa halagang P50 hang­gang P100 kada metro.

Dahil dito, sinabi ni Mayor Lim na inatasan niya ang Bay­walk Special Police Patrol na higpitan ang pagbabantay upang matiyak ang seguridad ng naturang lugar. (Doris M. Franche)

ALFREDO CALO

ANTHONY SEVILLANO

ARNEL RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with