Manhole bantayan
Hiniling kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga opisyal ng barangay na paigtingin ang pagbabantay sa mga takip ng imburnal at iba pang gamit ng pamahalaan na inilagay sa nasasakupan nilang lugar upang hindi malapastangan ng mga kawatan.
Ayon kay MMDA Chairman Bayani Fernando, isa sa mga nagiging dahilan ng pagbabaha sa lansangan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay ang pagbabara ng mga imburnal na napupuno ng basura dahil sa kawalan ng takip.
Sa ngayon ay pare-pareho na aniya ang ginawa nilang takip ng mga imburnal na hindi na bakal kundi konkretong semento upang hindi na pag-interesang nakawin subalit may ilan pa ring matitigas ang ulo na nag-aalis ng takip sa pag-aakalang may bakal pa silang mapapakinabangan. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending