^

Metro

Lisensiya para sa GRO pinag-aaralan

-

Inutos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim  ang pansamantalang pagpapatigil sa inspection sa mga videoke at  sing-along bars hangga’t hindi naaayos ang mga regulasyon para sa pag-iisyu ng mga lisensiya sa mga waitress at guest relations officers­  at mga buwis na dapat bayaran ng nasabing establisimyento.

Kasabay nito,  tiniyak din ni Lim  sa mga bar owners  na walang anumang  gagawing “unnecessary inspections”  ang city hall habang inaayos pa ang pagpapalabas ng  permit o lisensiya.

Sa kanyang pagsasalita sa  induction  ng officer­ ng Manila Entertainment Music Lounge Association sa pangunguna ni Renato Recto, sinabi nito na titiyakin niyang walang pulis o sinu­mang em­pleyado ng city hall ang  manana­mantala dito dahil magkakaroon sila ng bagong sistema.

Lumilitaw naman sa sintimyento ng MEMLA  members, kailangan nilang  magbigay ng linggu­hang ‘payola’  upang hindi gipitin o ipasara ang kani­lang bar.  

Dahil dito, hiniling  din ng MEMLA  kay Lim na mag­bigay ng kaukulang lisensiya sa mga GRO, kung saan handa naman umano  silang magbayad ng kaukulang buwis.

Sinabi naman ng alkalde na pag-aaralan nilang mabuti ang  pagbibigay ng  lisensiya sa mga GRO dahil ang mga ito ay hindi pinapayagang  ilabas ng kanilang kustomer. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

MANILA ENTERTAINMENT MUSIC LOUNGE ASSOCIATION

MANILA MAYOR ALFREDO S

RENATO RECTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with