^

Metro

2 pang ‘salarin’ nadakip

-

Tatlo nang suspek ang hawak ng Manila Police District kaugnay sa brutal na pagpatay sa isang pupil ng Saint Paul College na isinilid sa maleta makaraang da­lawa pa ang naaresto sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City at Que­zon City.

Kinilala ni Chief Insp. Alex Yanquiling, hepe ng MPD-Homicide Section, ang suspek na sina Ramil Dioreco, tubong Taclo­ban City at resi­dente ng Sitio San Isidro, Pag-asa, Quezon City, at Domingo Agnote, 23, dating gu­war­­diya ng Sun­shep Security Agency, ng Da­gat-dagatan, Caloo­can City.

Ang isa pang suspek na si Raffy Nepa, 25, ng Purok 3 Isla Puting Bato ay nauna nang inaresto noong Sabado ng gabi sa Tondo, Maynila.

Si Dioreco ay ina­resto sa squatters area  sa Wildlife, Quezon City da­kong alas-12:00 ng ma­daling-araw habang si Agnote ay inaresto na­man ng mga kagawad ng Caloocan Police sa Da­gat-dagatan Caloo­can City dakong alas-11:00 kama­kalwa ng gabi.

Ayon kay Yanquilling, ang pagkakadawit ni Dioreco ay bunsod sa sa­laysay ni Agnote nang ikuwento umano nito ang ginawang pagpatay kay Geraldine Palma, 7, ng 136 4th St. Riverside Village, Barangay Sta Lucia, Pasig City.

Sa salaysay ni Ag­note, kasama umano ni Dioreco sina Rosdam, Ramil, Rick-Rick at Henry Tesado na nag-aabang nang maho­holdap hang­gang sa namataan nila ang bata na may dalang maleta.

Inamin din ni Agnote na ginahasa umano ang bata bago pinatay at isi­nilid sa maleta. Itinang­gi na­man ni Agnote na ka­sabwat siya at ang ta­nging nalalaman niya ay ang kuwentuhan ng kanyang mga kaibigan.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa maleta dakong alas-8:00 ng umaga noong Agosto 17 sa Manila International  Container Terminal sa likod ng ECD Warehouse, Manila Bay, North Harbor, Tondo.

Nakahubad ang pang-itaas at naka-jogging pants ang paslit at napuluputan ng electrical wire ang leeg nito.

Matapos ang apat na araw ay nakilala ang biktima ng kapatd nitong si Andrew Palma.

Napaulat na nailibing na kahapon ang biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

AGNOTE

ALEX YANQUILING

CITY

PLACE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with