Sekyu ng LRT tinodas
Isang guwardiya ng Light Rail Transit sa
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodrigo Navarro ng Kaizen Security Agency.
Ilang testigo na nakakita sa pangyayari ang nagsabing pababa na si Navarro mula sa hagdan ng istasyon ng LRT sa Blumentritt, Sta. Cruz,
Tinamaan ng bala sa ulo si Navarro. Agad na tumakas lulan ng asul na motorsiklong XRM ang mga suspek na nakasuot ng itin na dyaket at helmet.
Isang babaeng guwardiya ng LRT-Abad Santos Station na si Rosalinda David ang nagsabing, bandang tanghali kahapon, may lumapit sa kanya at itinanong kung saang istasyon nakatalaga si Navarro.
Ipinarating naman ni David kay Navarro sa pamamagitan ng text message na may naghahanap dito.
Sinabihan naman ni Navarro si David na banggitin sa naghahanap sa kanya na hintayin siya sa Blumentritt station.
Gayunman, wala pang linaw kung iisang tao lang ang naghahanap sa biktima at ang pumatay dito.
Nabatid sa LRTA na nakunan umano ng video ang suspek sa Jose Abad Santos Station habang hinahanap niya ang biktima.
- Latest
- Trending