^

Metro

Sumpa ng ‘My Way’ nalusutan

-

Masuwerteng nakalig­tas sa pinapaniwalaang sumpa ng kantang “My Way” ang isang miyembro ng Guardian matapos na ito’y tambangan ng isang di-nakikilalang lalaki habang sakay ng kanyang tricycle ilang minuto ma­ta­pos ang pag-awit niya ng na­sabing kanta sa isang video­ke bar sa lungsod ng Ca­loocan kamakalawa ng gabi.

Mapalad si Nestor  Ma­nalo, 47, may-asawa ng Barangay 176, Bagong Silang sa lungsod dahil sa kaliwang binti lamang siya natamaan ng bala nang barilin ng suspek.

Kagagaling lamang ng biktima sa pakikipag-inu­man sa isang videoke bar kung saan ito kumanta ng ilang kanta kasama ang My Way  nang maganap ang pananambang.

Sinasabing sa ulo sana ng biktima ang puntirya ng suspek ngunit mabilis na nakalayo ang tricycle kaya sa binti lamang tinamaan ang biktima. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BAGONG SILANG

KAGAGALING

MAPALAD

MASUWERTENG

MY WAY

RICKY TULIPAT

SHY

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with