55-anyos nakipag-sex sa 28-anyos, todas

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 55-anyos na parking attendant matapos itong atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa isang 28-anyos na babae sa isang hotel kahapon ng umaga sa Mabini, Maynila.

Kinilala ni C/Insp. Ale­jandro Yanquiling Jr., hepe ng Manila Police District-  Ho­micide section, ang bik­tima na si Manuel Villa­rosa, parking attendant sa isang pubhouse sa Malate sa naturang lunsod.

Kasama umano ng bik­tima sa pagpasok sa isang hotel sa Mabini  ang isang 28-anyos na dalagang wait­ress na si Rhodora Canta dakong alas-5 ng umaga.

Habang nasa kalagit­naan  umano ng pagtatalik ay bigla umanong nanikip ang dibdib ni Villarosa hanggang mawalan ito ng malay.

Ipinagbigay alam agad ni Canta sa superbisor ng hotel ang pangyayari.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments