55-anyos nakipag-sex sa 28-anyos, todas
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 55-anyos na parking attendant matapos itong atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa isang 28-anyos na babae sa isang hotel kahapon ng umaga sa Mabini, Maynila.
Kinilala ni C/Insp. Alejandro Yanquiling Jr., hepe ng Manila Police District- Homicide section, ang biktima na si Manuel Villarosa, parking attendant sa isang pubhouse sa Malate sa naturang lunsod.
Kasama umano ng biktima sa pagpasok sa isang hotel sa Mabini ang isang 28-anyos na dalagang waitress na si Rhodora Canta dakong alas-5 ng umaga.
Habang nasa kalagitnaan umano ng pagtatalik ay bigla umanong nanikip ang dibdib ni Villarosa hanggang mawalan ito ng malay.
Ipinagbigay alam agad ni Canta sa superbisor ng hotel ang pangyayari.
Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.
- Latest
- Trending