Video machine winasak

Bilang babala sa mga operator ng iligal na sugal sa Quezon City, winasak kahapon ng umaga ng mga awto­ridad sa pamamagitan ng payloader ang anim sa 30 videokarera machines na nakumpiska nitong nakaraang linggo sa iba’t ibang bahagi ng lunsod. Pinamunuan nina Vice-Mayor Herbert Bautista at QC Police District Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang pagsunog sa mga videokarera at fruit game machines sa parade ground ng Kampo Karingal. Sinabi pa ni Gatdula na dadalhin pa sa Subic, Zam­bales ang  natitirang makina upang doon wasakin dahil may “hazardous substance” na laman ito na makakasama sa kalusugan. (Danilo Garcia)

Show comments