^

Metro

La Salle stude tumalon mula 18th flr.

- Ni Grace Amargo-Dela Cruz -

Tumalon mula sa ika-18 palapag ng isang gusali ng Kassel Con­do­minium sa Malate, Manila  ang isang 19-anyos na Business Management student ng De La Salle Univer­sity sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kini­lala na si Wilfredo To­nog­banua, nanunulu­yan sa Room 1805 ng naturang condo­ mi­nium na nasa panulu­kan ng Taft Avenue at P. Ocampo St.

Sinasabi ng ilang guwardiya ng gusali na, bandang alas-6 ng gabi, biglang nawalan ng kuryente bago sila nakarinig ng malakas na pagbagsak ng isang bagay sa kanilang harapan.

Nang usisain nila ang bagay na bumag­sak ay nakita nila ang katawan ng biktima na nakahadusay sa se­mento.

Lapnos umano ang harapang bahagi ng katawan ng biktima na hinihinalang bunga ng pagkakakuryente nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit nawalan ng kuryente ang gusali dahil tumama ang ka­ta­wan ng biktima sa linya ng kuryente na na­unang sumabit bago bu­magsak sa semento.

Tumangging mag­bigay ng anumang im­pormasyon ang mga ka­anak ng biktima hing­gil sa hinihinalang pag­pa­pakamatay nito.

vuukle comment

BUSINESS MANAGEMENT

DE LA SALLE UNIVER

KASSEL CON

OCAMPO ST

SHY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with