^

Metro

Bong Alvarez nag-sorry

-

“Gretch, sorry may tatlo akong anak”.

Ito ang malumanay na sinabi ng nahimasmasang Philippine Basketball Association (PBA) star Paul “Bong” Alvarez ma­tapos ang ginawang paniniko, pananabunot at pananapak sa mukha ni ABS-CBN reporter Gretchen Malalad sa loob ng Man­­daluyong police kama­kalawa.

Subalit ang paghingi ng des­pensa ni Alvarez ay hindi umubra sa dating karatedo gold medalist na si Malalad at itinuloy pa rin ang kasong physical injury laban sa dating cage superstar.

Kamakalawa ng hapon ay nakapagpiyansa na si Alvarez sa halagang P4,500 sa kinaka­harap na kaso na ang mismong lumakad ay si Anabelle Rama, manager naman ng aktres na si Almira Muhlach na asawa ni Alvarez.

Samantala, hindi ini­urong ng biktimang si Wilfredo Cabanlit, drayber ng taxi na bi­nugbog ni Alvarez ang kaso taliwas sa re­port na na­kipag-areglo ito sa ha­lagang P5,000 upang iurong ang kasong physical injury laban dito.

Matatandaang kamakalawa ng madaling araw ay hinuli si Alvarez na lango sa alak dahil sa pambubugbog kay Cabanlit at ng nasa istasyon na ng Man­daluyong police ay dumating si Malalad at camera man nito.

Bilang reporter ay kinaila­ngang kunan ng video footage si Alvarez sa loob ng himpilan ng pulisya subalit nagalit ito at nagbanta na wawasakin ang camera kapag itinuloy ang pag­kuha sa kanya.

Nagpasya na lang si Malalad na huwag ng kunan ng footage si Alvarez at balak na lang kapa­nayamin ang biktimang taxi drayber subalit sa pagpasok nito sa istasyon ng puilsya ay siniko ito sa mukha ni Alvarez sabay sa­bunot kaya gumanti ito at nag­pambuno sila sa harapan ng mga pulis na mabilis namang uma­wat sa kaguluhan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALMIRA MUHLACH

ALVAREZ

ANABELLE RAMA

EDWIN BALASA

GRETCHEN MALALAD

MALALAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with