^

Metro

Binatilyo binoga ng kalabang grupo

-

Isang 16-anyos na batang lalaki ang binawian ng buhay matapos itong pagbabarilin ng pinaniniwalaang kalaban nito sa isang fraternity kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang isugod sa  FEU Hospital ang biktimang si Michael Villaruel, nakatira sa  #35 T. M. Kalaw St., Sto. Niño, Camarin, Brgy. 178 ng nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at binti buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Tinutugis naman ng  Caloocan City-PNP ang hindi pa nakiki­la­lang suspek na kaagad na tumakas matapos ang isinagawang    krimen.

Sa inisyal na ulat, bandang alas-10:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa di-kalayuan sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Ayon sa kapitbahay ng biktima na si Manuel Lucero, 19, kasalukuyan niyang kausap si Villaruel nang may biglang tumawag sa biktima mula sa madilim na lugar na kaagad namang pinuntahan nito. Sinabi pa ni Lucero, nakarinig na lamang siya ng ilang putok ng baril at nang puntahan niya ang biktima ay nakahandusay na sa lupa at duguan habang ang tumawag sa kanyang kaibigan ay biglang naglaho sa kadiliman.

Kaagad na humingi ng tulong si Lucero sa kanyang mga kapit-bahay para isugod sa pagamutan ang biktima at habang nilalapatan ito ng lunas ay nalagutan ng hininga. (Lordeth Bonilla)

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

KALAW ST.

LORDETH BONILLA

LUCERO

MANUEL LUCERO

MICHAEL VILLARUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with