^

Metro

Tulak tinodas ng vigilante

-

Pitong tama ng bala ng kalibre .45 ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang umano’y tulak ng iligal na droga makaraang pagbabarilin ito ng malapitan ng isa sa dalawang lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Daniel de Leon, 30, traysikel drayber at residente ng No. 01 Caliwag st. Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa kilalang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo.

Sa ulat, naganap ang pamamaslang dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Caliwag St. habang namamasada ang biktima ng kanyang traysikel.

Bigla na lang itong hinintuan ng mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo at malapitang pinagbabaril ng pitong beses ang biktima at ng masiguro na itong patay ay saka nilagyan ng karatulang karton ang bangkay na nagsasaad ng “Pusher Huwag Tularan”, bago pinaharurot ang kanilang motorsiklo patakas ng lugar.

Napag-alaman pa sa ginawang imbestigasyon ng pulisya na nakulong na ang suspect kamakailan dahil din sa kasong droga subalit ayon naman sa asawa ng biktima sa isang panayam na wala siyang kinalaman kung may katotohanan ang akusasyon dahil ang alam umano niya ay namamasada lang ng traysikel ang kanilang ikinabubuhay.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang paglutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BIGLA

BRGY

CALIWAG

CALIWAG ST.

EDWIN BALASA

PUSHER HUWAG TULARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with