^

Metro

Killer ng Tsinoy trader timbog

-

Itinuturing na lutas na ng pulisya ang brutal na pagka­kapaslang sa isang negosyanteng Tsinoy kamakailan sa Binondo, makaraang masakote ang isa sa tatlong salarin nito sa Parola Compound, kahapon.

Iniharap kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim si Richard Santos, 23, matapos  maaresto ng mga tauhan ng MPD Station 11 habang tangkang papatakas sa Area D Gate 17 ng Parola Compd., Tondo, Maynila.

Si Go ay nakitang tadtad ng saksak sa loob ng kan­yang opisina sa Lambee Bldg. na nasa kanto ng Carvajal at Pinpin Sts., Binondo, Manila, noong Agosto 15, 2007.

Nabatid na naghiganti sina Santos at dalawa pang pahinante na sina Jojo Tan at Ronald Sales kay Go maka­raan silang pagmumurahin nito nang matuklasan ng biktima na sa iba idineliber ng mga suspek ang limang sakong bigas na dapat sana ay sa kostumer nito.

Makaraang pagalitan ay sinundan ng tatlong salarin ang biktima sa kanyang opisina at saka pinagsasaksak. Pitong tama ng saksak ang tinamo ng biktima mula sa tatlong suspek na agad nagsitakas matapos ang krimen. (Doris Franche)

vuukle comment

AREA D GATE

BINONDO

DORIS FRANCHE

JOJO TAN

LAMBEE BLDG

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PAROLA COMPD

PAROLA COMPOUND

PINPIN STS

RICHARD SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with