^

Metro

Naaawa sa inang may kanser, Tsinay nagpakamatay

-

Dahil sa umano’y sob­rang awa sa inang may sakit na cancer, isang 30-anyos na Tsinay ang hinihi­nalang nagpakamatay ma­tapos na matagpuan itong lumulutang sa Manila Bay, Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktima ay inilara­wan na may katamtaman ang pangangatawan, naka­suot ng eyeglasses, naka­puting t-shirt, itim na pan­talon at  sapatos.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon na natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6:30 ng umaga ng isang Gillette Flores sa Manila Bay sa harapan ng Decision T-Bar sa panulu­kan ng Roxas Blvd. at Sinagoga St., Ermita.

Sa ibinigay na testi­monya ni Flores, sinabi nitong dakong alas-3 ng madaling-araw ay naka­usap pa umano nito ang biktima habang umiiyak at nakaupo sa seawall ng na­sabing lugar. Sinabi umano ng biktima kay Flores na sa Binondo ito nakatira at kaya umiiyak ay dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang inang may sakit na cancer at may taning na ang buhay.

Bunsod nito’y pinayu­han pa umano ni Flores at ng isang di-nakilalang balut vendor ang biktima na hindi dapat dalhin ng mabigat ang suliranin nito at dahil sa inaakalang napahupa na ang biktima ay iniwan na nila ito.

Hindi umano akalain ni Flores na magigisnan nila ang biktima na nakalutang na sa dagat. Nakuha mula sa kata­wan ng biktima ang apat na singsing, isang bracelet at pulang wallet na may lamang mahigit P1,000. Gayunman, ­ini­im­bes­tiga­han pa rin ng pulisya kung may na­ganap na foul play sa pag­kamatay ng biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BIKTIMA

DECISION T-BAR

ERMITA

GILLETTE FLORES

MANILA BAY

ROXAS BLVD

SHY

SINAGOGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with