^

Metro

DAHIL SA BANTA NG TERORISMO: MM inilagay sa full red alert status

-

Inilagay na kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full red alert status ang buong Metro Manila dahil sa banta ng “spill-over” ng digmaan na naga­ganap sa Mindanao.

Kaugnay nito, aabot sa 4,000 pulis ang itatalaga sa Makati City upang tiyakin ang seguridad sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Economic Minister’s Meeting ngayong linggo dahil sa posibleng banta ng mga terorista.

Sinabi ni NCRPO deputy director, C/Supt. Eric Javier na kahalintulad na seguridad na ipinatupad nila sa nag­daang Asean Foreign Minister’s Summit sa Pasay City ang kanilang ipapatupad ngayon sa Makati.

Kabilang sa seguridad na ipapatupad ang pakikipag-ugnayan sa mga hotel na tutuluyan ng mga dayuhang delegado, pagtatalaga ng close-in security buhat sa PNP sa mga delegado, paglalagay ng checkpoints sa Makati at paghahanda sa inaasahang mga kilos-protesta.

Inaasahan ng pulisya ang pagdalo ng 25 economic minis­ters at mga kasamahang delegado buhat sa iba’t ibang bansa sa Asya ang dadalo para sa pagpupulong ukol sa isyu sa ekonomiya ng rehiyon ngayong Miyerkules.

Nakatutok ang pulisya sa posibleng pananabotahe ng mga terorista at iba pang elemento na kalaban ng pama­halaan sa naturang pagtitipon.

Inilagay rin naman ng PNP sa red alert ang rehiyon ng Mindanao at heightened alert ang ibang panig ng bansa. (Danilo Garcia)

ASEAN FOREIGN MINISTER

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

DANILO GARCIA

ECONOMIC MINISTER

ERIC JAVIER

INILAGAY

MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with