^

Metro

Parak napatay ang dinalaw na tiya

-

Hindi akalain ng isang pulis na sa kanyang baril mamamatay ang 62-anyos niyang tiya matapos na aksi­dente uma­nong mabaril ang huli habang inaayos ng una ang kanyang service fire­arm, kama­kalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Aida Ignacio, may-asawa, tubong Cagayan, ng 531 Blk 27 Piña St., Sta. Mesa sanhi ng tama ng kalibre 45 sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang sumuko ang pamangking suspect na si PO1 Jopel Jacobe, 27, bi­nata, nakatalaga sa Head­quarters Support Unit ng Camp  Crame. 

Sa report ng pulisya, na­ganap ang insidente  da­kong alas-7 ng gabi sa loob ng bahay ng tinitirhan ng mga ito sa Sta. Mesa.

Nabatid na nag-aayos ang suspek ng kanyang dadalhin pauwi ng Cagayan nang ilabas nito ang kan­yang service firearm sa kan­yang travelling bag upang kargahan ng bala subalit hindi umano nito napansin na may natitira pa umanong bala at aksidente nitong nakalabit kaya tina­maan ang kanyang tiya na noon ay nakaupo. Sa kalituhan, imbes na tulungan ang kanyang tiya ay tumakas umano ito subalit nang nahimasma­san ay sumuko rin.

Nabatid na dinalaw pa umano ng pulis ang kan­yang tiya bago ito umuwi sa ka­nilang probinsiya na naging dahilan naman ng kama­ta­yan ng huli. Tanggap umano ng pamilya ng biktima na aksi­dente ang pangyayari at nakahandang iurong ang demanda laban sa sus­pect. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

AIDA IGNACIO

CRAME

CRUZ

JOPEL JACOBE

KANYANG

NABATID

SHY

SUPPORT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with