^

Metro

Ex-parak na kidnaper, sumuko

-

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay sumuko kahapon sa pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang isang most wanted na kidnapper na may patong na P250,000 sa ulo.

Ang sumuko ay si   PO2 Arden Lanza, dating pulis na nakatalaga sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City. Ang pagsuko ni Lanza ay isinaayos ni EPD Inteligence and Detective Manage­ment Division chief  Sr. Supt. John Sosito matapos na magpa­dala ito ng surrender feelers.

Nabatid na isa si Lanza sa 11 suspect na kumidnap kay Peter Tan at 2-anyos na anak nito na si Michael noong Disyembre 28, 2005 sa Tanza, Cavite. Sa pagsuko ni Lanza, tatlo na sa 11 suspect sa Tan kidnapping ang ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Napag-alaman na matapos ang pagdukot kay Tan ay ipinatutubos ito ng P5 milyon sa pamilya ng negosyante.

Humingi naman ng tulong ang pamilya ni Tan sa awto­ridad kaya hindi natuloy ang bayaran ng ransom, habang ang anak na si Michael ay pinalaya matapos ang isang linggong hawak ng mga kidnappers, habang si Peter ay nawawala pa rin hanggang sa ngayon.

Nabatid na bago si Lanza ay nauna ng sumuko sa awtoridad sina Edwin Torres  at SPO1 Catalino Gonzales, pawang mga dating ahente rin ng PDEA.

Samantala sa panayam ng media kay Lanza, kaya umano siya sumuko ay upang itanggi na may kinalaman siya sa nasabing kidnapping at upang malinis ang kan­yang pangalan. (Edwin Balasa)

ARDEN LANZA

CATALINO GONZALES

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

EDWIN TORRES

LANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with