^

Metro

Parak itinumba sa party

-

Nasawi ang isang pulis matapos itong tambangan ng apat na hindi nakikila­lang armadong kalalakihan habang ito ay nakikipag-inuman sa isang birthday party kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Malabon.

Nakilala ang nasawi na si PO3 Ludgardo Niedo, 46, taga Gozon Compound, Letre ng nabanggit na siyu­dad, nakatalaga sa Kampo Crame, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre.45 baril.

Isang follow-up opera­tion naman ang isinasa­gawa ng mga kagawad ng Malabon City-PNP laban sa apat na suspek, na kaagad na nagsitakas matapos isagawa ang krimen.

Lumalabas sa pagsisi­ya­sat ni PO3 Bobby Mario Egera, naganap ang insi­dente dakong- alas 8:20 ng gabi sa isang bakenteng lote, sa may Paradise Vil­lage, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Nabatid na kasaluku­yang nakikipag-inuman ang biktima sa birthday ng isang kaibigan nito, nang duma­ting ang mga suspek  na pa­wang mga armado ng kalibre .45 baril at walang sabi-sabing nilapitan at saka pinaputukan ng mga ito ang biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BOBBY MARIO EGERA

GOZON COMPOUND

KAMPO CRAME

LETRE

LORDETH BONILLA

LUDGARDO NIEDO

MALABON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with