^

Metro

Binata niratrat, patay

-

Isang binata ang na­sawi, habang sugatan ang ina  at kapatid nitong  dalagita matapos pagba­barilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng ka­ni­lang bahay kamakalawa ng gabi sa lungsod Caloocan.

Hindi umabot ng buhay sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan ang bik­timang si Alfie de Vera, 22, ng #314 Talipapa, General Luis, Barangay Kay­biga ng nabanggit na lungsod.

Inoobserbahan na­man sa naturang paga­mutan ang ina nitong si Espher, 42,  nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo nito at ang kapatid na si Regine, 12, nagtamo  naman ng tama ng bala sa kanang binti.

Mabilis namang tu­ma­kas ang hindi pa naki­kilalang suspek matapos isagawa ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya de Vera nang bigla na la­ mang pumasok ang hindi nakilalang suspek na ar­mado ng kalibre .45 baril.

Nabatid, walang sabi-sabing pinagbabaril ng salarin ang biktima ha­bang ang ina at kapatid nito ay tinamaan naman ng ligaw na bala.

Kaagad na isinugod ng kanilang mga kapit-bahay ang mag-iinang biktima, ngunit si Alfie ay hindi na nakarating ng buhay. Hanggang sa kasalu­kuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng ma­susing imbesti­gasyon ang mga awto­ridad upang matukoy ang motibo at ang pagkaka­kilanlan ng salarin. (Lordeth Bonilla)

ALFIE

BARANGAY KAY

GENERAL LUIS

LORDETH BONILLA

SHY

VALENZUELA CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with