^

Metro

1 patay, 3 sugatan matapos araruhin ng van

-

Patay ang isang lalaki habang tatlo pa ang ma­lubhang nasugatan ma­karaang suyurin ng isang closed van na na­walan ng giya sa hara­pan ng gate ng isang pab­rika sa San Juan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Vicente Po­lioso, 50, habang ma­lubha namang nasuga­tan ang iba pa na sina Danny Tiamonte, Jupil So­perales at Noel Enri­quez, pawang mga traba­hador ng Asahi Electrical Manufacturing Corp.

Naaresto naman ang suspect na nakilalang si Danilo Buban,  drayber ng nasabing van.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas- 10:15 ng umaga ng ma­walan umano ng giya ang closed van na may pla­kang XEC-962 na mina­ma­neho ng suspect at nagtuluy-tuloy na bu­mangga sa gate ng nasa­bing kompanya at eksak­tong naroon ang mga biktima.

Direktang nabangga si Polioso ng van mata­pos pumasok sa compound habang ang tatlo pa nitong kasamahan ay nadaganan ng gate da­hilan ng kanilang bali at sugat sa ibat-ibang ba­hagi ng katawan.

Agad namang isinu­god sa Cardinal Santos Hospital ang mga biktima subalit nasawi din si Polioso dahil sa matin­ding inabot nito sa aksi­dente.

Kasalukuyang naka­piit ang suspect sa San Juan detention cell ha­bang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

ASAHI ELECTRICAL MANUFACTURING CORP

DANILO BUBAN

DANNY TIAMONTE

EDWIN BALASA

JUPIL SO

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with