^

Metro

Ginang binoga ng kapitbahay

-

Nasawi ang isa uma­nong bungangerang gi­nang matapos baunan ng bala sa ulo ng kanyang nakaaway na kapitbahay nang magtagpo ang lan­das ng mga ito, kama­kalawa ng hapon sa Ca­loocan City .

Nakilala ang nasawi na  si Rosita Almonte, 48 , vendor ng Area 1, Sawata, Dagat-Dagatan ng na­banggit na lungsod.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya  ang suspek na nakilalang si Ricky Bustade, kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:14 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Area 1, Fishpond, Sawata, Dagat-Dagatan ng nasa­bing lungsod.

Nabatid na  nakitang nagtitinda sa kanyang puwesto sa naturang lugar ang biktima nang dumating ang galit na galit na suspek na armado ng kalibre .45 baril.

Sinabi pa ng mga saksi, agad na nilapitan ng suspek ang nagtitindang biktima at walang sabi-sabing itinutok ang baril sa bunbunan at binaunan ng isang bala ng baril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa isinaga­wang pagpatay sa ginang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DAGAT-DAGATAN

KASALUKUYAN

LORDETH BONILLA

RICKY BUSTADE

ROSITA ALMONTE

SAWATA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with