^

Metro

Shootout: Holdaper todas

-

Patay ang isang hol­daper na miyembro ng “riding in tandem robbery gang” makaraang maki­pag­barilan sa mga pulis at malaglag pa sa pagka­kaangkas sa sinasakyang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Cubao, Quezon City.

Patuloy namang kini­kilala ng pulisya ang na­sawi na nasa pagitan ng edad na 25-28 anyos, may taas na 5’2 talampakan,  maigsi ang buhok, naka­suot ng brown na shorts, puting t-shirt at may mga tattoo na “Anding, Bahala na Gang, Buboy suka at JR “ sa likod nito.

Nakatakas naman ang kanyang kasamahan sakay ng isang asul na motorsiklo na walang plaka.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 7 (Cubao), naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa tapat ng isang sanglaan sa panulukan ng Aurora Blvd. at Gen. Romulo street, Cubao.

Nabatid na unang hinoldap ng suspek ang pampasaherong jeep na minamaneho ni Dennis Pamittan kung saan na­biktima nito ang 17-anyos na si April Joy Aguilar, residente ng Philcoa, Dili­man, ng naturang lungsod.  Natangay sa biktima ang pitaka nito at isang cell­phone. Bumaba naman ang suspek pagsapit sa Gen. Romulo St., habang agad namang humingi ng tulong si Pamittan sa isang mobile patrol unit ng QCPD-Station 7 na mabilis rumesponde sa lugar.  Naabutan pa ng mga pulis ang dalawang suspek na mistulang naghihintay pa ng mabibiktima ngunit mabilis na pinasibad ang motorsiklo nang mama­taan ang mga alagad ng batas.

Nagkaroon ng maig­sing habulan hanggang sa masukol ang mga suspek.  Dito na umano unang nag­paputok ang  suspek na nakaangkas na ginantihan naman ng mga pulis sanhi upang malaglag ito sa motorsiklo at iwan ng kanyang kasamahan.

Narekober sa suspek ang isang pitaka na pag-aari ni Aguilar at isang ka­libre .38 baril na gamit nito sa krimen.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

APRIL JOY AGUILAR

AURORA BLVD

CUBAO

DANILO GARCIA

DENNIS PAMITTAN

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with