^

Metro

Parusa sa mga nagbebenta ng ‘double dead meat’, patitindihin sa QC

-

Para matiyak na walang mga tiwaling negosyanteng magbebenta ng double dead na karne sa Quezon City, hinikayat ni QC Vice Mayor Herbert Bau­tista ang konseho ng lungsod na lumikha ng isang resolusyon na magtataas ng parusa laban sa naturang mga negosyante.

Sinabi ni Bautista na ang lokal na pamahalaan ay nais ma­iparating ang matinding hak­banging ito upang mawa­kasan na ang pagbebenta ng mga double-dead na karne sa lungsod.

Sa kasalukuyan multang wala pang P1,000 ang nila­lapat sa mga nahuhuling nagbe­benta ng double dead meats kaya umano marami pa rin ang mala­lakas ang loob na mag­benta nito mahuli man sila ay mababa ang parusa.

Sa kanyang panukala sinabi ni Bautista na marapat na tang­galan ng  business permit ang mga stall owners na lalabag dito.

Nitong nakaraang linggo, ang pinagsanib na puwersa ng QC health department at ang Quezon City Police District,  gayundin ang National Meat Inspection Services (NMIS) ay nakakumpiska ng 5,000 kilo ng double dead na karneng baboy sa Balintawak Market.

Naniniwala si Bautista na kapag napatindi na ang parusa ay magkakaroon na ng takot ang mga negosyanteng ito. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BALINTAWAK MARKET

BAUTISTA

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

VICE MAYOR HERBERT BAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with