^

Metro

Kompanya nilooban: 2 todas

-

Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang security guard matapos katayin ng apat na hindi nakikilalang ka­watan na sapilitang pumasok at pagnakawan ang pinag­tatrabahuhan nilang kom­panya, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kapwa namatay sa mis­mong lugar ng pinangyarihan ng insidente sina Noel Angeles, nasa hustong gulang, security guard ng Sibol Security Agency at nakatalaga sa Saint Joseph Building at nakatira sa Lot 22, Phase 2-A, Area 5, Dagat-Dagatan North Bay Boulevard South (NBBS) ng nabanggit na lungsod at Nilo Castillano,  stay-in utility helper ng Saint Joseph Group Incorporation ng nasabing gusali.

Kaagad namang ikinasa ang manhunt at follow-up operation ng mga elemento ng Navotas-PNP laban sa apat na hindi nakikilalang suspect na pawang responsable sa pagpatay sa dalawang biktima at pagnanakaw sa nasabing gusali.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Saint Joseph Building na matatagpuan sa Lot 22, Phase 2A, Area 5, Dagat-Dagatan. NBBS ng nasabing lungsod.

Nabatid, sapilitang pinasok ng apat na  di-nakikilalang ka­watan ang nasabing gusali at agad pinagsasaksak ang mga nabig­lang biktima at nang masigurong patay na ang mga ito ay mabilis na nagtungo sa ikalawang pa­lapag ang mga salarin.

Dito, binasag ng mga suspect ang salamin ng bintana para makapasok sa loob ng tanggapan ng St. Joseph Group Inc. kung saan naka­lagay ang vault ng kompanya at kinuha ang P70,000 cash at hindi ma­bilang na halaga ng mga che­que,  at ang service firearm na kalibre .38 baril ni Angeles.

Matapos nito ay agarang nagsitakas ang mga suspect  dala ang kanilang nakulimbat, habang naiwanang walang buhay na naliligo sa sariling dugo ang dalawang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

DAGAT-DAGATAN NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

NAVOTAS CITY

NILO CASTILLANO

NOEL ANGELES

SAINT JOSEPH BUILDING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with