^

Metro

Lolo nasagasaan na, tinakbuhan pa

-

Patay ang isang 70-anyos na lolo makaraang mabundol ito ng rumaragasang pampasaherong dyip habang papatawid sa k­a­habaan ng   Bonifacio Avenue, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tina­mong pinsala sa katawan at ulo ang biktimang si Catalino Cruz 70, ng 158-A, M. Cruz st. Brgy. Barangka ng nasabing lungsod.

Samantala, mabilis namang tumakas ang suspect dala ang minamanehong dyip matapos ang insidente.

Sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-5:30 ng ma­daling-araw habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Bo­ nifacio Ave., Brgy. Ba­rangka nang hindi ito mapansin ng sus­pect na mabilis na minama­neho ang kan­yang dyip na may biya­heng Cubao patungong SSS Village.

Dahil sa lakas ng pagkaka­bangga ay tumilapon ang   bik­tima at una ang ulo pang bu­mag­sak sa sementadong kalsada.

Agad namang inagapan ng kasunod na taxi drayber na si Teddy Rosales ang biktima at mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan kaya hindi na nito naplakahan ang nakabundol na dyip na mabilis na humarurot patakas ng lugar.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa posibleng pag­kakaaresto ng suspect upang mapanagutan ang krimeng ginawa. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BONIFACIO AVENUE

BRGY

CATALINO CRUZ

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with