^

Metro

12 Intsik timbog sa nakaw na kable ng Meralco

- Angie dela Cruz, -

Inaresto  ng mga tauhan ng Criminal Investi­gation and Detection Group (CIDG) Northern Field Office (NFO) ang labing-dalawang Intsik dahil sa pagbili ng milyong halaga at pagtatago ng mga nakaw na kable ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ni Supt. Anthony Aberin, hepe ng  CIDG-NFO  ang mga naarestong suspek na  sina Jimmy Go, 46; Alvin Ching, 45; Juliet Makate, 40; Robert Makate, 47; Andy Ko, 27; Wu Feifang Wu, 20; Wu Fupai Yang, 20; Wu Cai Xia; Wu Cheng Jun, 57; Wu Sheng Nan Chua, 47; Xu Yana, 37 at Ke Jinzen Chua, 22.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maaresto ang mga suspek sa bahay at junkshop ni Go na matatagpuan sa # 140-142 E. Francisco Street, Barangay Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

Nabatid  na ang pagkakaaresto sa mga sus­pek ay base na rin sa search warrant na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court (MRTC) Judge Rosario Cruz, ng Branch 173

Sinabi ni Aberin na bago ang pagkakadakip sa mga Chinese nationals ay nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa pagbili ng mga suspek ng mga nakaw na kable ng kuryente ng Meralco.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad at nang maging positibo ang impormas­yon ay kumuha ang mga ito ng search warrant na nagresulta sa pagkakaareso sa mga suspek. Nasamsam sa mga ito ang may 4.5 toneladang nakaw na mga kable ng Meralco na nagkaka­halaga ng milyun-milyong piso.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga na­arestong Chinese nationals kung may mga kauku­lang papeles ang mga ito na mamalagi sa Pilipinas.

ALVIN CHING

ANDY KO

ANTHONY ABERIN

BARANGAY GEN

CRIMINAL INVESTI

MERALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with