‘Pugot-ulo’ prinisinta ng NBI

Iprinisinta kahapon   ng National Bureau of Inves­ti­gation (NBI) sa Depart­ment of Justice (DoJ) ang sumu­kong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinasa­bing isa  sa mga suspect na namugot sa mga ta­uhan ng Philip­pine Ma­rines sa Basilan.

Matapos isailalim sa in­te­rogasyon ng NBI ay di­nala na sa DoJ ang suspect  na si Buhari Jamiri kung saan inamin nito na nasak­sihan niya ang ginawang pamumu­got sa ulo ng mga Marines ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, hihili­ngin ni Jamiri kay Justice Sec­retary Raul Gonzalez na maisailalim siya  sa Wit­ness Protec­tion Program (WPP).

Sinabi ni Jamiri sa NBI na handa itong makipag­tu­lungan sa gobyerno upang matukoy kung sino ang mga responsable sa  na­bang­git na pamu­mugot.

Sa ibinigay na salay­say ni Jamiri, naipit uma­no siya sa gitna ng bak­bakan ng ASG at Marines nang ma­pa­daan ang huli sa Tipo-Tipo, Basilan.

Si Jamiri ay kasaluku­yan umanong nagtatago sa kampo ng ASG nang ma­ganap ang bakbakan sa pagitan nito at ng mga Marines. (Grace dela Cruz)

Show comments