‘Pugot-ulo’ prinisinta ng NBI
Matapos isailalim sa interogasyon ng NBI ay dinala na sa DoJ ang suspect na si Buhari Jamiri kung saan inamin nito na nasaksihan niya ang ginawang pamumugot sa ulo ng mga Marines ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, hihilingin ni Jamiri kay Justice Secretary Raul Gonzalez na maisailalim siya sa Witness Protection Program (WPP).
Sinabi ni Jamiri sa NBI na handa itong makipagtulungan sa gobyerno upang matukoy kung sino ang mga responsable sa nabanggit na pamumugot.
Sa ibinigay na salaysay ni Jamiri, naipit umano siya sa gitna ng bakbakan ng ASG at Marines nang mapadaan ang huli sa Tipo-Tipo, Basilan.
Si Jamiri ay kasalukuyan umanong nagtatago sa kampo ng ASG nang maganap ang bakbakan sa pagitan nito at ng mga Marines. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending