^

Metro

Grade 2-pupil na umiwas sa baha, nakuryente naman

-

Matapos makaiwas sa alon  sa tubig-baha, isang walong-taong gulang na batang lalaki ang namatay matapos na ma­kur­yente  sa poste,  habang su­ga­­tan naman ang tatlong es­tudyante ng University of Santo Tomas (UST) matapos na ma­kahawak ng isang live wire sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing paslit na si Raymart Blanco, grade 2-pupil at naninirahan sa 2016 Simon St., Sampaloc ay hindi na umabot pa ng buhay sa Infant Jesus Hospital. Batay sa report, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng Dimasalang St. sa Sampaloc.

Ang biktima ay naglalakad umano sa naturang lugar nang dumaan ang isang trak kaya’t umalon ang tubig-baha papunta sa direksyon nito.

Nang umiwas sa tubig-baha ay napakapit  ito sa isang malapit na poste ng kuryente na sina­sabing may live wire kung kaya’t nakuryente ito.

Tinangka pa itong isugod sa na­sabing pagamutan ngunit idi­neklara na itong dead-on-arrival. 

Samantala, kritikal naman umano ang kondisyon ng mga es­tudyante ng UST na nakila­lang sina Jacinto Angelo Inolino, 17; Franz de Jesus, 15; at  Edson Yambot, 17, matapos na makahawak ng live wire dakong 7:30 ng gabi kamakalawa sa Dapitan St. sa Sampaloc.

Sinasabing kakain sana ang mga biktima nang aksidenteng ma­kahawak ng isang poste ng kuryente na may live wire. Gina­gamot ang tatlo sa UST Hospital. (Grace dela Cruz)

DAPITAN ST.

DIMASALANG ST.

EDSON YAMBOT

INFANT JESUS HOSPITAL

JACINTO ANGELO INOLINO

RAYMART BLANCO

SHY

SIMON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with