Pag-aarmas sa traffic enforcers, ‘no way’ sa Maynila
Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi niya papayagan ang pag-aarmas ng bolo ng mga traffic enforcers ng MMDA sa Maynila.
Ayon kay Lim, bagama’t wala sa kanya ang desisyon na bigyan ng armas ang mga Metro Manila Development Authority (MMDA) kailangan pa rin munang isipin ang seguridad ng mamamayan.
Aniya, mas makabubuti kung batuta ang ipagamit sa mga traffic enforcers na tulad ng gamit ng mga pulis.
Ipinaliwanag ni Lim na ang mga traffic enforcers ay hindi dapat na kinatatakutan ng publiko lalo pa’t ang publiko ang nagpapasuweldo sa mga ito.
“Kung ikaw ang motorista at may lumapit sa iyong traffic enforcer na may dalang bolo, di ka ba masisindak? Kaya dito sa Maynila, di namin yan papayagan,” ani Lim.
Bukod dito, sinabi rin ni Lim na hindi magandang tingnan na ang traffic en forcers ay armado ng bolo dahil nagmementina lamang ang mga ito ng daloy ng trapiko. (Doris Franche)
- Latest
- Trending