^

Metro

Dalaga todas sa holdap

-

Isang 28-anyos na dalagang welder ang pinatay sa saksak ng hinihinalang holdaper matapos na matagpuan ang bangkay nito ka­ha­pon ng madaling-araw sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Arlene Sagon, ng 77 Catleya St., North Bay Blvd. South (NBBS) ng nabanggit na lungsod. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente. Dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng Apahap Street, NBBS ng nasabing lungsod kung saan nakilala lamang ito sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa pitaka nito.  Malaki ang pani­niwala ng mga awtoridad na posibleng naging biktima si Sagon ng mga gumagalang holdaper sa naturang lugar, dahil natagpuan ang pitaka nito sa labas ng kanyang katawan at wala nang lamang pera. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa naturang kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

APAHAP STREET

ARLENE SAGON

CATLEYA

DAKONG

ISANG

KASALUKUYAN

LORDETH BONILLA

NORTH BAY BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with