^

Metro

Parak timbog sa ‘hulidap’

-

Arestado ang isang pulis-Maynila ng mga kasama­han nito matapos na tanggapin ang P10,000 kapalit ng kalayaan ng kan­yang inaresto sa loob mismo ng police station  sa Tondo, Maynila, kahapon.

Nakilala ang dinakip na si PO2 Edgard0 Gone, 40, nakatalaga sa MPD-Station 1. Inaresto si Gone  bunsod na rin ng reklamo ni Engr., Luisito Tan, 23, binata, ng 847 Tahimik St., Tondo.

Ayon sa ulat  dakong ala- 1:30 ng hapon nang arestuhin ang pulis na suspect sa loob ng tanggapan ng  Special Reaction Unit (SRU) ng MPD-Station 1. Sa ibinigay na salaysay ni Tan, dakong alas-9:00 noong Lunes ng gabi ay inaresto umano ang kapatid niyong si Lailanie Tan ng mga operatiba ng MPD-Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng MPD-Station 1 sa Del Pan St., Tondo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng droga, gayunman hindi kinasuhan si Lailanie kundi kinausap siya ng pulis at hinihingan ng P20,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Bunga nito’y agad na nagsumbong si Tan sa mga awtoridad na naghanda ng operation laban sa kanilang kabaro. Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Art. 294 RPC (Robbery Extortion) sa Manila City Prosecutor’s Office si Gone. (Grace dela Cruz)

ARESTADO

DEL PAN ST.

LAILANIE TAN

LUISITO TAN

MANILA CITY PROSECUTOR

MAYNILA

ROBBERY EXTORTION

SPECIAL REACTION UNIT

TAHIMIK ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with