Lider ng ‘rent-a-car carnap gang’ tiklo
Nakapuntos laban sa carnapping ang Quezon City Police District (QCPD) matapos na madakip ang hinihinalang lider ng grupong tinaguriang “Rentas Dugas Gang” sa tapat ng isang fastfood chain, kamakalawa sa naturang lungsod.
Nakilala ang nadakip na si Joselito Kirch, residente ng Don Antonio Heights Subdivision,
Binanggit sa ulat, nadakip si Kirch sa harap ng isang fastfood sa may
Nabatid na nahaharap si Kirch sa mga standing warrant of arrests sa iba’t ibang korte sa Metro Manila sa kasong multiple carnapping at estafa. Nagpalabas rin ng pabuya na residential lot‚ sa Brgy. Batasan Hills,
Napag-alaman na sangkot sa rent-a-car business si Kirch at asawa ngunit nagkipagsabwatan sa mga kriminal. Modus-operandi ng grupo na magpanggap na aarkila ng sasakyan sa rent-a-car ni Kirch ngunit hindi na ito ibabalik.
Mapupuwersa naman ang mga kasosyo sa negosyo ni Kirch na may-ari ng tinangay na sasakyan na mag-ulat ng kaso ng carnapping na siyang dahilan kung bakit umaakyat ang bilang ng insidente ng pagkawala ng sasakyan sa Quezon City.
Natuklasan naman ng ilang mga kasamahan sa negosyo ang modus-operandi ni Kirch na nagsampa ng kaso sa pulisya ngunit agad na nagtago ito matapos na makatunog.
- Latest
- Trending