36 dayuhan idedeport ng BI
Tinatayang 36 na dayuhan na karamihan ay over-staying sa bilangguan ang idedeport ng Bureau of Immigation (BI) upang maiwasan ang patuloy na pagsisikip ng kulungan. Ayon kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang pagpapatalsik sa bansa ng 36 na foreign detainees, ay dahil sa mahigit ilang taon ng nakakulong at naisyuhan na ng summary deportation orders ng BI board of commissioners ang mga ito.
Sinabi pa ni Libanan na hinihintay na lamang ng BI ang pag-iisyu ng aliens‚ travel documents ng kani-kanilang mga embahada at mga clearance na kinakailangan sa kanilang deportasyon.
Kabilang sa mga clearance ay magmumula sa korte, Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang matiyak na wala silang nakabinbing kasong sibil at criminal para maharang ang kanilang pag-alis.
Maliban sa kulang ang mga travel documents at clearances ng mga deportees ilan sa mga ito ay hindi pa nakakabili ng plane tickets at hindi pa nakakabayad ng multa sa paglabag sa immigration laws. (Gemma Amargo-Garcia at Ellen Fernando)
- Latest
- Trending



















