^

Metro

P1.25 dagdag pasahe, hirit ng transport groups

-

Hihirit ng P1.25 sentimo dagdag na pasahe sa mga pampasaherong jeep ang iba’t ibang transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang hakbang ay batay sa isasampang petisyon ngayong araw na ito ng mga lider ng transport groups   sa LTFRB upang ihayag ang kanilang sentimyento sa kasalukuyang hirap na nararanasan dulot ng epekto ng tumaas na mga bayarin.

Partikular na rason ng mga nabanggit sa kanilang petisyon ang bayaring buwis tulad ng EVAT, 2,600 percent common carrier tax, road user tax, pagtaas sa presyo ng langis, ordinance violation receipts ng LGUs at pango­ngotong ng mga tiwaling traffic enforcers.

Sinabi pa ni de Luna na ang P1.25 sentimos na petisyon sa pagtataas sa minimum fare sa jeep ay bukod pa sa 50 sentimos na nais nilang ipabalik sa LTFRB.

Noong Pasko ng 2006 ang P7.50 minimum fare sa jeep ay ginawa ng LTFRB na P7.00 bilang pamaskong handog ng pamahalaan sa taumbayan. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito naibigay dahil sa pakikialam ng Malakanyang. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

HANGGANG

HIHIRIT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MALAKANYANG

NOONG PASKO

PARTIKULAR

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with