^

Metro

Pag-aarmas ng itak sa MMDA enforcers, hahadlangan ng CHR

-

Hahadlangan ng Com­mis­sion on Human Rights (CHR) ang plano ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) na ar­masan ng itak ang mga traffic en­forcers nito sa panganga­siwa sa daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Ed Diansuy, information office ng CHR, mas makabubuting pag -aralan muna ang natu­rang hakbang bago ma­ipa­tupad.

Maaari anyang mag­dulot lamang ang natu­rang hakbang ng pagla­bag sa karapatang pan­tao.

Malaki ang paniwala ng CHR na may ibang pa­raan na dapat maipatupad ang naturang ahensiya upang ma­supil ang mga pa­saway na mga moto­rista.

Una rito, tinuligsa ng mili­tanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opera­tors Nation­wide (PISTON) ang naturang hakbang.

Sinabi ni George San Mateo, secretary general ng PISTON, walang ma­idu­dulot na maganda sa pag­papabuti ng daloy ng tra­piko ang pagbibigay ng itak sa mga MMDA en­forcers.  Ilang kritiko naman ang nagsabi na baka daw nais umanong bigyan ng itak ng MMDA ang mga enforcers nito para kumita mula sa paggawa ng bakal na itak ang steel company ng mga Fernando sa Marikina. (Angie dela Cruz)

ED DIANSUY

GEORGE SAN MATEO

HUMAN RIGHTS

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHO

PINAGKAISANG SAMAHAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with