^

Metro

2 most wanted kidnappers, timbog

- Joy Cantos -

Dalawang itinuturing na most wanted na mi­yembro ng notoryus na Waray-Waray kid­nap for ransom (KFR) gang ang nasakote ng mga operatiba ng Po­lice Anti-Crime Emer­gency Res­ponse (PACER) sa mag­kakahiwalay na ope­ras­yon sa Pasig and Pasay City. Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, kinilala ni PNP Chief Director Ge­neral Oscar Calderon ang mga na­sakoteng suspect na sina Free­man Bagares, alyas Priman at Ricardo Banaay, alyas Tatang.

Ayon kay Calderon, na sina Bagares at Ba­naay ay kapwa natukoy na miyem­bro ng notor­yus na Waray-Waray KFR gang kung saan ang mga ito ay may tig P 250,000 patong sa ulo bawat isa. Sinabi ni Calde­ron na si Bagares ay na­sakote ng mga opera­tiba ng PACER sa Brgy. Kalawaan, Pasig City, habang si Banaay ay nahuli naman sa Man­lunas St., Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang dalawa ay na­aresto sa bisa ng war­rant of arrest sa kasong kidnapping for ransom na inilabas ni Judge Narbo Noblejas ng RTC Branch 69, Binangonan Rizal at  Judge Nor­berto  Quisumbing ng RTC Branch 21 ng Imus, Cavite.

Nabatid na  ang da­lawa ay kapwa sangkot  sa 12 kaso ng kidnap­ping sa Metro Manila, Rizal at Cavite simula 2001. Ayon kay Calderon, ang pagka­ka­aresto sa dalawa ay bun­sod na rin ng paki­kipagtulu­ngan ng komu­nidad sa PACER.

ANTI-CRIME EMER

AYON

BAGARES

BINANGONAN RIZAL

CAMP CRAME

CAVITE

CHIEF DIRECTOR GE

JUDGE NARBO NOBLEJAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with