Nagrarasyon ng dyaryo, nabundol ng taxi, patay

Isang 63-anyos na lolo ang namatay nang ma­bangga ng isang rumaragasang taxi habang sakay ng kanyang bisikleta kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si George Pahigid, may-asawa, residente ng Congressional Avenue  ng natu­rang lungsod.

Hawak naman ngayon ng Quezon City Traffic Sector 6 ang suspek na si Loreto Etol matapos na kusang-loob na sumuko sa pulisya.

Lulan ng bisikleta ang biktima habang nagra­ras­yon ng mga tinda niyang dyaryo nang mabundol ng Alpine Taxi na minamaneho ni Etol.  (Danilo Garcia)

Show comments